Saturday, May 21, 2011

GISING










Written on Thursday, November 26, 2009 at 7:11am. In lieu with the Maguindanao Massacre

Ako ay nasusuklam sa mga nangyayari sa Maguindanao, ngunit hindi ko mapigilan ang aking sarili na magimbal sa mga reaksyon ng mga tao. Ang publiko katiwang nang media ay pawang sabik pang ipangalandakan sa buong mundo ang dami ng namatay, kung sino ang namatay,at kung papaano sila namatay. Ang publiko naman ay sumisgaw ng husistya para sa mga nasawi na ito ngunit, ano nga ba ang makakamit nito? Sa aking pagmamasid at pagmunimuni sa mga nagiging problema ng bansang ito, hindi ko lubos na maintindihan kung bakit pa rin pinagaaksayahan ng ating mumunting bansa at ng publiko ang mga badya o sintomas ng isang malaking kapansanan ng bansa at pagkatapos na ito ay malutas, babalik na naman tayo sa ating mga bahay at uupo na para bang walang nangyayaring masama sa ating bansa hanggang may lumabas na naman na isang kagimbal-gimbal na pangyayari. Gising Pinoy! Wag nang puro sisi ang pairalin, wag tayong maging mapaghusga sa mga taga-Maguindanao at sa mga Muslim dahil gumagawa lamang tayo ng sarili nating ikatatakot. Wag tayo ang maging una sa pag-pintas sa ating bansa. Tayo ay magtulong tulong upang malutasan ang salot ng ating bayan, hindi ito isang tao, hindi rin ito isang grupo ng mga tao, hindi ito ang sistema, ito ay ang tao: Tayo mismo, ang may problema. Tayo ay nagmistulan ng bulag sa "big picture" ng ating bansa, bingi at pipi sa mga isyu na tayo ay dapat tumayo at magsalita, at tulog ang ating diwa na siyang dapat nagsasabi sa atin na mahalin ang ating bansa. GISING PINOY! whew.

Kung matalino ka at may pakialam ka magrereact ka.

No comments:

Post a Comment